Friday, November 9, 2012

Malikot na isip.....


Tara at mamasyal sa ka-niyogan,
Doon ngayon ay tayo lang dalawa,
Matataas na puno ng niyog, malamig na simoy ng hangin.
At ang maganda pa ay ang bilugan na buwan.

Halika at tayo'y maglaro, mahabulan,
at gumulong tayo sa damuhan.
yakap ng isa't-isa ay ating damhin.
wag ka mag-alala tayo lang dalawa.

Kung may pagkakataon na magtagpo ating mga labi.
Wag mo pipigilan silakbo ng iyong dadamin.
Ibigay mo sa akin ang iyong init at ibibigay ko din ang akin.
Hayaan mong akapin kita, ipagdikit ating mga katawan
Ngayong gabi tayo'y maging isa,
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan.